^

Metro

33 ‘Poster boys’ ng mga kandidato, arestado

-
Unang araw pa lamang ng kampanya kahapon nagsimula nang magdidikit ng mga campaign materials ang ilang kandidato at umaabot sa 33 "Poster boys" ang inaresto ng mga operatiba ng Manila Cityhall-Special Operations Group (MCH-SOG), kahapon ng umaga .

Personal na iniharap kahapon kay Manila Mayor Lito Atienza ang mga suspek na volunteers at hired "poster boys" nina Senators Edgardo Angara, Kiko Pangilinan, AKSA at Gabriela Party List groups.

Ang mga naaresto ay naaktuhan ng grupo ni Supt. Roberto Dela Rosa na nagkakabit at nagdidikit ng mga campaign materials sa center islands, poste ng Meralco at kable maging sa mga puno.

Ayon kay Atienza, ang mga stickers at posters ay madumi at mahirap na alisin, samantalang ang mga streamers na nakabitin ay delikado sa mga kable ng kuryente gayundin ang mga nakalagay sa puno.

Iginiit ng Alkalde na hindi nila papayagan ang paglalagay ng mga streamers at stickers maging ang kanila umanong kandidato ay hindi papayagan sa paglalagay ng mga campaign materials dahil sila rin umano ang mahihirapan sa pagtatanggal nito matapos ang eleksyon.

Dahil dito kayat inatasan ni Atienza ang may 13,000 barangay tanod na magbantay lalo na sa gabi at huwag payagan ang mga "poster boys" ng mga kandidato na maglagay ng mga campaign materials.

Inatasan na rin nito si Emmanuel Sison ang Secretary to the Mayor na magpakalat ng listahan ng mga lugar na maaring paglagyan ng mga campaign material.

Binigyan naman ni Atienza ng babala ang mga nahuling "posters boys" bilang kanilang unang pagkakasala subalit sa susunod umanong mahuli ang mga ito ay kanila na itong sasampahan ng kaso. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

ATIENZA

EMMANUEL SISON

GABRIELA PARTY LIST

GEMMA AMARGO-GARCIA

KIKO PANGILINAN

MANILA CITYHALL-SPECIAL OPERATIONS GROUP

MANILA MAYOR LITO ATIENZA

ROBERTO DELA ROSA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with