^

Metro

Trike driver nirapido, dedo

-
Patay ang isang 40-anyos na traysikel drayber makaraang tambangan ito ng hindi pa kilalang lalaki at bistayin ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan, kamakalawa ng hapon sa Marikina City.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Amang Rodriguez Medical Center sanhi ng tinamong pitong tama ng bala ng kalibre .45 baril sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Ariel Trinidad, residente ng 345 Shoe Avenue Brgy. Concepcion Uno, Marikina City.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang alamin ang pagkakakilanlan ng nag-iisang suspect na agad tumakas matapos ang insidente.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang pamamaril dakong-ala 1:45 ng hapon habang papauwi ang biktima sa kanilang bahay at binabagtas ang kahabaan ng Shoe Avenue ng nasabing barangay.

Ayon sa 13-anyos na binatilyong saksi na bigla na lang sumulpot ang suspect bitbit ang kalibre .45 baril at walang sabi-sabing malapitang pinagbabaril ang biktima.

Nang masigurong patay na ang biktima ay agad umanong tumakas ang suspect.

Sinubukan pang isugod ng mga bystanders sa nasabing pagamutan ang biktima subalit idineklara na rin itong dead on arrival ng doktor na sumuri dito.

Narekober ng pulisya ang pitong basyo ng bala mula sa kalibre .45 ng baril at tatlong deformed slag nito sa scene of the crime.

Posible umanong may malaking galit ang suspect sa biktima dahil sa ginawang pagpatay dito. Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya kung ano ang motibo ng naturang pagpatay at sa agarang ikakadakip na rin ng suspect. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

ARIEL TRINIDAD

AYON

BATAY

CONCEPCION UNO

EDWIN BALASA

KASALUKUYAN

MARIKINA CITY

SHOE AVENUE

SHOE AVENUE BRGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with