^

Metro

Pumatay sa anak ng Phil. Star employee, tiklo

-
Nadakip na ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang pangunahing suspect sa pagpatay sa anak ng isang empleyado ng pahayagang Philippine Star sa Novaliches, Quezon City kamakailan.

Nakakulong na ngayon sa Kampo Karingal ang suspect na si Abdul Gani Ampuan, 26, isang Muslim at vendor na naninirahan sa Sarmiento St., Sta. Monica, Novaliches, habang inihahanda ang kaso laban dito.

Nabatid na si Ampuan ang itinuturong bumaril kay Mario Ninal Jr. habang nagmamaneho ng sasakyan sa Novaliches, Quezon City.

Aktibo umanong miyembro ng anti-vendor clearing team ang biktima na siya ring sinisilip na motibo sa pamamaslang.

Kaugnay nito, malaki ang paniniwala ng pulisya na may kasabwat pa si Ampuan nang gawin niya ang pagpatay kay Ninal.

Matatandaang binaril nang malapitan sa ulo hanggang sa mapatay si Mario Jr. noong November 1, 2006 sa nasabing lugar habang nakasakay ito sa mobile ng city hall habang nagsasagawa ang kanyang grupo ng clearing operation ng mga illegal vendors sa lugar. (Doris M. Franche)

vuukle comment

ABDUL GANI AMPUAN

AMPUAN

DORIS M

KAMPO KARINGAL

MARIO JR.

MARIO NINAL JR.

NOVALICHES

PHILIPPINE STAR

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with