^

Metro

Siga namaril ng mga bakla: 1 patay

- Rose Tamayo-Tesoro -
Pinaghahanap ng mga tauhan ng pulisya ang isang lider ng gang sa Caloocan City makaraan itong magwala at walang habas na nagpaputok ng baril matapos na mainsulto umano sa ginaganap na gay beauty pageant sa lugar na kanyang pinaghaharian, kahapon ng madaling-araw.

Isa ang nasawi, habang isa pa ang malubhang nasugatan sa ginawang pagwawala ng sigang nakilala lamang sa alyas na Boy Astig, sinasabing lider ng "Sawako Gangster".

Nakilala ang nasawi na si Junny Gullin, 16, ng Bagong Barrio, Caloocan City, habang sugatan naman ang 10-anyos na si Al Villanueva, sanhi ng tinamong tama ng bala ng baril sa katawan.

Batay sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1 ng madaling- araw sa panulukan ng Gen. Malvar at Zapote Sts., Brgy. 133, Bagong Barrio ng nabanggit na lungsod.

Kasalukuyan umanong ginaganap ang isang gay beauty pageant nang biglang dumating ang suspect na armado ng kalibre ng baril at ginulo ang nagaganap na kasiyahan at walang habas na nagpaputok ng baril.

Dahil dito ay nagtakbuhan sa iba’t ibang direksyon ang mga baklang kasali sa patimpalak pati na ang mga manonood.

Nang humupa ang kaguluhan ay nakita na lamang na kapwa duguang bumulagta ang mga biktima habang mabilis namang tumakas ang suspect.

Napag-alaman umano na tutol ang suspect sa pagdaraos ng gay beauty pageant sa kanilang lugar dahil itinuturing umano nila itong insulto sa kanilang gang na naghahari sa kanilang lugar.

vuukle comment

AL VILLANUEVA

BAGONG BARRIO

BATAY

BOY ASTIG

BRGY

CALOOCAN CITY

DAHIL

JUNNY GULLIN

SAWAKO GANGSTER

ZAPOTE STS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with