^

Metro

Bombay pinatay, minaleta saka pinaanod sa ilog

-
Isang umano’y Bombay ang brutal na pinaslang at inilagay sa isang malaking maleta at saka ipinaanod sa ilog ang natagpuan kahapon ng umaga sa Pasig City.

Sa kasalukuyan ay inaalam pa ng pulisya ang pangalan ng biktima na tinatayang nasa gulang na 19 hanggang 25-anyos, may taas na 5’10 talampakan, nakasuot ng itim na polo shirt at itim na pantalon.

Ayon kay PO2 Melvin Jesus Mendoza, may hawak ng kaso, natagpuan ang bangkay ng biktima dakong alas-6:20 ng umaga sa ilalim ng Sta. Rosa Bridge na matatagpuan sa Brgy. Bagong Ilog ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na kasalukuyang nangingisda ang isang Robin Bermudez, 40, nang makita nito ang isang malaking maleta na palutang-lutang sa ilog.

Dala ng kuryosidad ay hinatak nito ang nasabing maleta at saka binuksan subalit laking gulat nito nang makita ang bangkay ng biktima na pinilit pagkasyahin sa loob ng maleta. Nakatali ng packing tape ang kamay at paa nito.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operations (SOCO) ng Eastern Police District, lumalabas na walang anumang tama sa katawan ang bangkay ng biktima maliban sa isang sugat sa ulo at may isang oras pa lang itong patay dahil sa halos sariwa pa ang katawan nito.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang pulisya para sa agarang ikalulutas ng kaso. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

BAGONG ILOG

BRGY

EASTERN POLICE DISTRICT

EDWIN BALASA

MELVIN JESUS MENDOZA

PASIG CITY

ROBIN BERMUDEZ

ROSA BRIDGE

SCENE OF THE CRIME OPERATIONS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with