^

Metro

Estudyante nagbigti

-
Isang high school student ang nagpasyang wakasan ang buhay sa pamamagitan nang pagbibigti dahil sa bigat ng dinadalang problema, kamakalawa ng hapon sa Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Bayani Jose Dignas, 18, 1st year high school student ng Lagro High School at residente ng Kamagong St., Brgy. Commonwealth, Quezon City.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, nadiskubre ang bangkay ng biktima sa loob ng inuupahan nitong kuwarto bandang alas-6 ng hapon gamit ang isang kulay dilaw na nylon cord na ipinulupot sa leeg nito.

Nabatid na hindi umano magkasundo ang biktima at amain nito at dahil dito ay nagpa-ampon ito sa isang hairdresser na nakilalang si Rowan Feliciano.

Natagpuan sa kaliwang bulsa ng pantalon ni Dignas ang isang suicide note na nakasaad nang paghingi ng tawad sa kanyang ina at lola.

Hiniling din nito na makadalo sa kanyang libing ang kanyang mga kaibigan, kaklase, mga naging guro at higit sa lahat ang kanyang nobya na hindi nakuha ang pangalan.

Nabatid sa pagsisiyasat ng pulisya, na bukod sa problema sa pamilya nabatid din na nagkakalabuan ang biktima at kasintahan nito na posibleng nakadagdag sa alalahanin ng binata kaya nagpasya itong kitlin ang sariling buhay. (Doris Franche)

vuukle comment

BAYANI JOSE DIGNAS

BRGY

DIGNAS

DORIS FRANCHE

HINILING

KAMAGONG ST.

LAGRO HIGH SCHOOL

NABATID

QUEZON CITY

ROWAN FELICIANO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with