^

Metro

2 paslit dinukot, pinatay sa Parañaque

- Angie dela Cruz, -
Kapwa brutal na pinatay ang dalawang paslit makaraang dukutin ang mga ito ng isang truck helper dahil hindi umano tinubos ng kanilang mga magulang, kamakalawa ng gabi sa Paranaque City.

Magkahiwalay na isinugod sa Parañaque Medical Center Hospital at Parañaque Community Hospital ngunit hindi na umabot pa ng buhay ang mga biktima na sina Audrey Juanillo, 3-anyos, residente ng #4113-32, Dumayo St., Brgy. Baclaran at Rolando Cahigao, 5-anyos, ng Block 8, Badone St., 4th Estate Subd., Brgy. San Antonio, kapwa ng nabanggit na lungsod.

Nabatid na si Juanillo ay ginahasa muna ng suspect bago pinatay sa sakal na naging sanhi ng kaniyang kamatayan, habang si Cahigao naman ay pinagpapalo sa ulo ng matigas na bagay na naging sanhi rin upang masawi ito.

Kasalukuyan namang nakakulong sa Parañaque City Police ang suspect na si Allan Seludo, 20-anyos, miyembro ng ‘Sigue-Sigue Sputnik Gang’ at nakatira sa Fatima St., Brgy. San Antonio, Parañaque City.

Sa report ng pulisya, nabatid na nakipag-inuman muna ang suspect sa ama ni Juanillo na hindi na nabanggit ang pangalan at pinakain pa ng ama ng bilktima ang suspect.

Nang malingat umano ang ama ni Juanillo ay agad na dinukot ng suspect ang mga paslit dakong alas-10 ng gabi na namataan naman ng mga kapitbahay.

Matapos dukutin ni Seludo ang mga paslit ay dinala niya ang mga ito sa isang alias ‘Ricky’ sa Fatima St., Parañaque City dakong alas-10:30 ng gabi.

Agad namang dinala umano ng alias ‘Ricky’ ang mga paslit sa isang Chua Lim na pinaniniwalaang lider ng isang sindikato na dumudukot sa mga bata.

Napag-alaman pa na nakatakda ng ipatubos sa mga magulang ang mga paslit at nang hindi agad matubos ang mga ito ay pinatay na lamang ng suspect na parang mga manok ang mga paslit.

Natagpuang duguan na inabandona sa isang basurahan sa Dela Paz St., likurang bahagi ng JAKA Plaza, Brgy., San Antonio, Parañaque City ang dalawang paslit ng ilang mga residente at agad na dinala ang mga ito sa mga nabanggit na pagamutan subalit kapuwa hindi na umabot pa ng buhay ang mga ito.

Dakong alas-4 naman ng madaling-araw nang madakip si Seludo sa mismong bahay nito sa isinagawang follow-up operation ng Parañaque Police.

vuukle comment

ALLAN SELUDO

AQUE

AUDREY JUANILLO

BADONE ST.

BRGY

CHUA LIM

FATIMA ST.

JUANILLO

SAN ANTONIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with