Parak kalaboso sa pagwawala sa bar
December 29, 2005 | 12:00am
Kalaboso ang isang pulis nang magwala at magbasag matapos na hindi ito makakanta ng maayos dahilan sa garalgal ang sound system sa isang videoke bar, kamakalawa ng gabi sa Malabon City.
Nahaharap sa kasong maliscious mischief at alarm scandal si PO2 Tito Casim, 30, nakatalaga sa Phil. Drugs Enforcement Agency (PDEA) sa Camp Crame at nakatira sa 19 Pineapple St., Brgy. Potrero ng nabanggit na lungsod.
Batay sa ulat, dakong alas-10:30 ng maganap ang insidente sa loob ng Kambingan Restaurant and Videoke Bar sa kahabaan ng MacArthur Highway, Brgy. Potrero at pag-aari ng isang Anna Loraine Tiu.
Nabatid na kasalukuyang nag-iinom ang parak at kumakanta sa loob ng nasabing videoke bar nang bigla na lamang gumaralgal ang sounds system ng videoke.
Dala ng kalasingan ay nagwala ang suspect at dumampot ng bote ng beer saka ipinalo sa kanyang ulo. Hindi pa ito nasiyahan ay pinagbabato pa nito ang ilang mga umiinom sa loob ng bar.
Mabilis namang nakaresponde ang mga awtoridad at inaresto ang kanilang nagwalang kabaro. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
July 16, 2026 - 12:00am
July 14, 2026 - 12:00am