^

Metro

Barangay chairman tinodas ng 2 apo

-
Isang barangay chairman ang namatay matapos na pagtulungang bugbugin ng kanyang dalawang apo dahil sa paninita ng una sa ginawang pangingikil ng huli kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.

Namatay habang ginagamot sa Polo Emergency Hospital ang biktimang si Edmundo Morelos, 55, chairman ng Brgy. Isla.

Nakakulong naman at nahaharap sa kasong parricide si Bryan Morelos, 26, habang mabilis namang nakatakas ang kapatid nitong si Bernard, 27.

Sa ulat ni SPO2 Josefino Canary Jr., dakong alas-9 ng gabi nang maganap ang insidente malapit sa bahay ng mga suspect.

Ayon kay Arnold, 36, anak ng biktima, isang nagngangalang Marivic Ranada ang nagpunta sa kanilang bahay at isinumbong ang ginawang pangingikil ng magkapatid na suspect.

Agad na tinungo ng biktima at ni Ranada ang bahay ng magkapatid upang komprontahin subalit hindi nila ito inabutan.

Nakasalubong ng dalawa ang mga suspect at dito na ito pinagtulungang bugbugin.

Sinabi ng mga saksi na madalas na mag-away ang biktima at mga suspect dahil sa paninita ng una sa huli sa ginagawang kalokohan ng mga ito. (Rose Tamayo)

vuukle comment

AYON

BRGY

BRYAN MORELOS

EDMUNDO MORELOS

ISANG

JOSEFINO CANARY JR.

MARIVIC RANADA

POLO EMERGENCY HOSPITAL

ROSE TAMAYO

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with