^

Metro

12-anyos na basurero inararo ng jeep, patay

-
Patay ang isang 12-anyos na basurero, samantalang sugatan din ang kanyang nakatatandang kapatid at isa pang kaibigan makaraang mahagip ng rumaragasang pampasaherong jeep, kamakalawa ng gabi sa Mandaluyong City.

Nakilala ang nasawing paslit na si Bernard Conception, habang malubha namang nasugatan ang kapatid nitong si Kirby , 13 at kaibigang si Ranel Sevilla, pawang naninirahan sa Ortigas St., Brgy. Welfareville ng nabanggit na lungsod.

Agad namang naaresto ang driver ng jeep na nakilalang si Victor Tayad, 54, ng Old Sta. Mesa, Maynila.

Sa ulat, naganap ang trahedya dakong alas-7 ng gabi sa kahabaan ng P.Cruz St., Brgy. Zaniga ng nabanggit na lungsod habang papatawid ang mga biktima tulak ang kanilang kariton nang biglang dumating ang rumaragasang jeep ng suspect at nabundol ang mga ito.

Agad na nasawi si Bernard dahil sa tinamong pinsala sa katawan at ulo, habang isinugod naman sa pagamutan ang dalawa pa.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang driver na si Tayad. (Edwin Balasa)

vuukle comment

BERNARD CONCEPTION

BRGY

CRUZ ST.

EDWIN BALASA

MANDALUYONG CITY

MAYNILA

OLD STA

ORTIGAS ST.

RANEL SEVILLA

VICTOR TAYAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with