^

Metro

B-day party nauwi sa trahedya, 1 patay, 1 kritikal

-
Nauwi sa trahedya ang pagdiriwang ng kaarawan ng isang 13-anyos na batang lalaki makaraang patayin sa saksak ang kanyang ina ng kanyang amain at magtangka namang magpatiwakal ang huli nang manibugho ito, kahapon ng madaling-araw sa Taguig City.

Patay na ng idating sa Rizal Medical Center ang biktima na si Angelyn Cultivo, 34-anyos, residente ng General Luna St., Brgy. Ibayo Tipas, nabanggit na lungsod sanhi ng malalalim na saksak sa iba’t ibang parte ng katawan nito.

Kasalukuyan namang inoobserbahan sa nabanggit rin na pagamutan ang suspect na si Rolando Haloc, 43-anyos sanhi ng mga saksak sa katawan.

Naganap ang insidente alas-12 ng madaling-araw sa loob ng pamamahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Bago ang trahedya ay unang nagkaroon ng salu-salo sa selebrasyon ng anak ng biktima na si Joel para sa 13th birthday nito at ilang minuto pa ay nagkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng biktima at suspect dahil sa labis na paninibugho umano ng huli sa babae.

Ilang minuto lamang ay kumuha ng kutsilyo ang suspect at pinagsasaksak nito ang ina ng bata at nang makita nito na halos wala ng buhay ang biktima ay pinagsasaksak din nito ang kanyang sarili. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANGELYN CULTIVO

BRGY

GENERAL LUNA ST.

IBAYO TIPAS

ILANG

KASALUKUYAN

LORDETH BONILLA

RIZAL MEDICAL CENTER

ROLANDO HALOC

TAGUIG CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with