Maynila iboboykot ng MMDA
June 2, 2005 | 12:00am
Lalong lumala ang bangayan ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at ng pamahalaang lungsod ng Maynila makaraang magbanta ang una na iboykot at huwag bigyan ng anumang emergency at traffic assistance ang area ng Maynila.
Ito umano ay dahil sa maaanghang na salita na ibinabato ng mga opisyal sa pamahalaang lungsod ng Maynila laban sa MMDA sa kabila na tinutupad lamang umano ng huli ang kanilang tungkulin.
Kasunod ito ng ginawang babala ni Manila Acting Mayor Danilo Lacuna na mahigpit na ipinagbabawal ng pamahalaang lungsod na magsagawa ng traffic operation o anumang programa ang MMDA sa kanilang hurisdiksyon.
Katuwiran pa ni Lacuna may sarili umano silang ordinansa na ipinatutupad lalo na pagdating sa pagmamantina ng daloy ng trapiko.
Ito ay may kaugnayan naman sa ipapatupad na programa ng MMDA na may kinalaman sa towing operation ng mga sasakyang ilegal na naka-park sa mga lansangan lalo na sa pagbubukas ng klase.
Dahil sa hindi matigil na bangayan, nagbanta ang MMDA na huwag magbigay ng anumang traffic at emergency assistance sa Maynila. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest