^

Metro

Sepulturero timbog sa pagnanakaw ng ataul

-
Nadakip ng mga tauhan ng WPD ang isang sepulturero sa Manila North Cemetery matapos na nakawin nito ang isang mamahaling ataul at saka ibinenta ng por kilo sa isang junkshop, kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Eugene Lacap, naninirahan sa loob ng Manila North Cemetery at ang pinagbentahan nitong si Laura Pangilinan ng Caloocan City.

Sa ulat ng pulisya, nag-ugat ang pagkakadakip sa dalawang suspect makaraang magreklamo si Carlos Cruz nang madiskubre nito na binaboy ang mga labi ng kanyang lola na nakalibing sa naturang sementeryo.

Nauna rito, sinabi ni Cruz na ipinatibag niya noong Lunes ang nitso ng kanyang lola dahil sa akalang buto na lamang ito. Ngunit nang madiskubre niyang buo pa ang bangkay ay ipinabalik muli niya sa nitso. Kasama umano sa nagtibag sa nitso si Lacap.

Nang balikan niya ito ay nadiskubre niya na ninakaw ang ataul ng kanyang lola na ibinalik sa nitso pero ibinalot na lamang sa kumot at wala na ang ataul.

May nagbigay sa kanya ng impormasyon na si Lacap ang kumuha dito kaya agad niya itong ipinaaresto sa pulisya. Itinuro naman ni Lacap si Pangilinan na pinagbentahan niya ng ataul. Ito ay nadakip sa Caloocan City.

Nabatid na pinag-interesan ni Lacap na ibenta ang ataul sa isang junkshop ng P7 per kilo. Umabot sa P133 ang kanyang kinita sa tinimbang na mga bakal ng ataul.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang dalawang nadakip. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ATAUL

CALOOCAN CITY

CARLOS CRUZ

CRUZ

DANILO GARCIA

EUGENE LACAP

ITINURO

LACAP

LAURA PANGILINAN

MANILA NORTH CEMETERY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with