^

Metro

1 pang preso sa Manila City Jail natodas

-
Isa na namang bilanggo sa mala-sardinas na Manila City jail ang nasawi dahil sa hindi pa mabatid na karamdaman, kamakalawa ng gabi sa Sta. Cruz, Manila.

Nakilala ang nasawi na si Alfredo Galang, 29. Nabatid na nahaharap ito sa kasong pagtutulak ng droga sa Manila Regional Trial Court Branch 2.

Nabatid na iniulat ng kanyang mga kasamahang preso sa cell no. 1 sa mga jailguard ang pagbagsak sa semento ng biktima. Una rito ay nagreklamo ng pananakit ng dibdib hanggang sa hindi na makahinga si Galang.

Agad namang dinala ng mga opisyales ng City Jail ang biktima sa infirmary ngunit lumubha ang kalagayan nito. Isinugod naman agad ito sa Jose Reyes Memorial Medical Center ngunit hindi na umabot ng buhay.

Sa eksaminasyon ng mga manggagamot, walang anumang marka na sinadyang patayin si Galang ngunit nadiskubre na may mga kulay asul na marka ito sa iba’t ibang bahagi ng katawan na maaaring buhat sa isang karamdaman.

Inireklamo naman ng mga preso ang sobrang pagsisiksikan nila kung saan maging sa sahig ay hindi na sila magkasya ng paghiga at natutulog na lamang ang iba nang paupo. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

ALFREDO GALANG

CITY JAIL

CRUZ

DANILO GARCIA

GALANG

INIREKLAMO

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MANILA CITY

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with