^

Metro

11 estudyante nabiktima ng 'food poisoning'

-
Umaabot sa 11 estudyante buhat sa Baguio City na lumuwas ng Maynila para mag-OJT (on the job training) ang naging biktima ng food poisoning.

Nakilala ang mga biktima na sina Gladys Mendoza, 21; Angela Lorraine La Madrid, 21; Amefils Olais, 21; Eric Castro, 20; Mary Joy Mendez, 21; Janice Eluden, 19; Joan Sungcad, 21; Audrey Solang, 22; Maribel Perez, 27; Faith Ugale, 19; at Patrick Quizon, 19.

Nabatid na ang mga biktima ay pawang mga nursing student sa Pines City Colleges sa Baguio City.

Nabatid na ang 11 ay kabilang sa 70 mga mag-aaral na naka-check-in sa Garden Plaza Hotel para mag-OJT sa National Center for Mental Health sa Mandaluyong City.

Dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang magreklamo ang mga estudyante ng matinding pananakit ng sikmura at pagsusuka kung kaya mabilis silang isinugod sa PGH.

Nabatid sa eksaminasyon na tinamaan ang mga estudyante ng ‘gastro-enteritis’ buhat sa nakain nila sa hapunan. Nasa maayos na kalagayan na ang mga estudyante matapos lapatan ng lunas.

Itinanggi naman ng pamunuan ng Garden Plaza Hotel na sa kanila nagmula ang pagkain.

Nabatid na may mga baong ‘packed food’ na pinakbet at binagoongang baboy ang mga estudyante buhat pa sa Baguio kung saan kumuha ang mga ito ng catering services. (Ulat ni Danilo Garcia)

vuukle comment

AMEFILS OLAIS

ANGELA LORRAINE LA MADRID

AUDREY SOLANG

BAGUIO CITY

DANILO GARCIA

ERIC CASTRO

FAITH UGALE

GARDEN PLAZA HOTEL

NABATID

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with