^

Metro

Langgonisa-con-shabu nakumpiska sa kulungan

-
Isang 24-anyos na babae ang naaresto matapos na makuha sa loob ng dala nitong langgonisa ang limang sachet ng shabu na para sa kanyang live-in partner na nakakulong sa Makati City Jail kamakalawa ng hapon.

Batay sa report na tinanggap ni Makati City Jailwarden Supt. Edgar Bolcio, si Zoraida Macandog ng 1077 Del Pilar St. Brgy. South Cembo ay dumaan sa inspection ni JO2 Eva Tenedora dakong alas-4 ng hapon sa nasabing kulungan upang dalawin ang preso na si Orlando Vina ng selda 5.

Aminado si Tenedora na hindi kahina-hinala ang kilos ni Macandog, subalit nang inspeksiyonin naman nito ang dalang pagkain ng huli, nakita niya sa loob ng langgonisa ang puting bagay na nakasiksik sa pagkain.

Dahil dito napilitan siyang busisiin pa ang langgonisa at nakita niya ang limang sachet ng shabu.

Samantala, sinabi naman ni BJMP chief Director Arturo Alit na mahigpit ang kanilang kampanya laban sa pagpapasok ng mga kontrabando sa city jail dahil kailangang magsilbing rehabilitasyon ang mga kulungan sa bansa.

Sa katunayan, ipinagbabawal na rin nila ang pagpapasok ng mga dalaw kung hindi kapamilya ng mga preso. Aniya, kailangang magpakita ng marriage certificate at identification card ang sinumang dadalaw bago papasukin sa mga jails.

Idinagdag pa ni Alit na mahigpit ang kanilang regulasyon na mga lehitimong asawa at anak lamang ang maaaring papasukin sa kulungan tuwing oras ng dalaw. (Ulat nina Lordeth Bonilla at Doris Franche)

vuukle comment

DEL PILAR ST. BRGY

DIRECTOR ARTURO ALIT

DORIS FRANCHE

EDGAR BOLCIO

EVA TENEDORA

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY JAIL

MAKATI CITY JAILWARDEN SUPT

ORLANDO VINA

SOUTH CEMBO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with