^

Metro

Sanggol lunod sa tubig-baha

-
Patay na nang matagpuan ang isang sanggol na babae matapos malunod sa tubig baha sa silong ng kanilang bahay nang iwanan ito ng kanyang ina na mag-isang natutulog sa bahay, kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Nakilala ang nasawi na si Jovelyn Carpio, isang taong gulang ng Lower Tibagan, Brgy. Ugong ng nasabing lungsod. Halos lumobo na ang tiyan ng bata ng matagpuan dakong alas-3 ng hapon sa silong ng kanilang bahay na puno ng tubig-baha.

Ayon sa ina ng biktima na si Flor Carpio, umalis siya ng bahay para bumili sa tindahan at iniwan niya ang kanyang anak na natutulog sa loob ng kanilang bahay.

Sinabi pa nito na pagdating niya sa tindahan ay nakita niya ang kanyang mga kaibigan at napakuwento sandali.

Pag-uwi niya sa bahay ay wala na ang kanyang anak sa kinahihigaan nito.

Hinanap nila ang sanggol hanggang sa makita ito sa silong ng kanilang bahay na wala nang buhay.

Naniniwala ang pulisya na posibleng nagising ang bata at gumapang at nahulog sa malaking butas sa sahig ng bahay. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

AYON

BAHAY

BRGY

FLOR CARPIO

HINANAP

JOVELYN CARPIO

LOWER TIBAGAN

NAKILALA

ROSE TAMAYO

VALENZUELA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with