^

Metro

Ex-police,4 pa timbog sa karnap

-
Bumagsak sa mga tauhan ng PNP-Traffic Management Group (TMG) ang limang pinaghihinalaang miyembro ng isang big-time carnapping syndicates kabilang ang isang retiradong pulis sa isinagawang operasyon kahapon ng madaling-araw sa lalawigan ng Bataan.

Nakilala ang mga nadakip na sina ret. SPO1 Ramson Cordero ng Bataan Provincial Police Office,residente ng bayan ng Samal at sangkot sa carnapping at chop-chop syndicate; Orlando Montemayor; Romeo Punzalan; Edward Pizaro at Elna Victoria.

Nabatid na nagsimula ang operasyon ng mga awtoridad dakong alas-8:40 kamakalawa ng gabi at tumagal ang kanilang follow-up operation hanggang kahapon ng madaling-araw sa munisipalidad ng Samal.

Nabatid na ang mga nadakip ay pawang kabilang sa kilabot na Cordero chop-chop/carnapping syndicate na siyang nagsu-supply ng mga chop-chop na piyesa at segunda-manong sasakyan sa Banawe, Quezon City at sa Bulacan.

Nabatid na isang buy-bust operation ang isinagawa ng mga awtoridad sa grupo na dito nahulog ang mga suspect at nadakip.

Nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso ang mga suspect. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BATAAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

EDWARD PIZARO

ELNA VICTORIA

JOY CANTOS

NABATID

ORLANDO MONTEMAYOR

QUEZON CITY

RAMSON CORDERO

ROMEO PUNZALAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with