^

Metro

Pasyente ng mental hospital,nagbigti

-
Isang pasyente sa National Center for Mental Health ang nagpasyang tapusin ang kanyang buhay sa pamamagitan ng pagbibigti makaraang sumpungin umano ng sakit nito, kahapon ng umaga sa Mandaluyong City.

Nakilala ang nasawing pasyente na si Pedro Lumacjos, ng Private Road, Brgy. Hulo ng nabanggit na lungsod. Ito ay natagpuang nakabitin sa loob ng kanyang selda gamit ang telephone wire na itinali sa kanyang leeg at isinabit sa kisame.

Sa ulat, nakita ang nakabigting pasyente dakong alas-11:30 ng umaga ng mga kasamahan din nitong pasyente sa Pavillion 5 ng NCMH na matatagpuan sa Brgy. Mauway ng lungsod na ito.

Napag-alaman pa ng pulisya na isang ex-convict ang nasawi na nakasuhan ng homicide, paglabas nito ng kulungan ay nagka-diprensiya na sa pag-iisip kaya minabuti ng mga kaanak na ilagak sa mental hospital.

Gayunman, inaalam pa kung may naganap na foul play sa pagkamatay nito. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

BRGY

EDWIN BALASA

GAYUNMAN

HULO

ISANG

MANDALUYONG CITY

MENTAL HEALTH

NATIONAL CENTER

PEDRO LUMACJOS

PRIVATE ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with