^

Metro

Nang-agaw ng mikropono, lalaki patay

-
Isang 28-anyos na lalaki ang namatay makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang mga suspect habang umaawit ng "Remember Me" sa loob ng isang videoke bar kahapon ng madaling araw sa Parañaque City.

Patay na ng idating sa Parañaque Medical Center ang biktima na si Bobbylou Espiritu, 28, ng Simplicio Cruz Compound, Sucat Road, Brgy. San Isidro dahil sa tinamo nitong bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Batay sa report ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas 3:10 ng madaling araw sa loob ng CMK videoke bar na matatagpuan sa naturang compound.

Nakikipag-inuman ang biktima kasama ng kanyang mga kaibigan nang magkayayaang umuwi ang mga ito.

Subalit papaalis na ang biktima ng bigla umano nitong narinig ang kantang "Remember Me" at inagaw ang mikropono na nasa kabilang mesa ng kustomer.

Bunga nito, pinaputukan ng sunud-sunod ng hindi pa nakikilalang suspect ang biktima at saka mabilis na tumakas. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BATAY

BOBBYLOU ESPIRITU

BRGY

BUNGA

LORDETH BONILLA

MEDICAL CENTER

REMEMBER ME

SAN ISIDRO

SIMPLICIO CRUZ COMPOUND

SUCAT ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with