Freelance producer kinatay sa condo
February 24, 2004 | 12:00am
Isang freelance producer ang pinatay sa saksak ng hindi pa nakikilalang suspect makaraang matagpuan ang bangkay nito sa loob ng kanyang inuupahang condominium sa Makati City, kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Jonathan Hernandez, 25, binata ng Room #2727 Pasong Tamo Tower, Don Chino Roces Avenue ng nabanggit na lungsod.
Nagtamo ito ng ilang saksak sa ibat ibang bahagi ng katawan.
Kaagad namang tumakas ang hindi pa nakikilalang suspect matapos isagawa ang pagpatay sa naturang biktima.
Sinabi ng isang kaibigang babae ng biktima na nakilalang si Gayle Concepcion na tawag siya ng tawag sa biktima subalit hindi nito sinasagot ang telepono kung kaya nagpasya siyang puntahan ito sa bahay.
Napag-alaman pa na may duplicate na susi si Concepcion kaya nakapasok ito sa condo at doon nakita ang patay nang biktima.
Sa ngayon ay nagsasagawa pa ng masusing imbestigasyon ang pulisya para alamin kung ano ang motibo sa pagpaslang at kung sino ang posibleng gumawa nito. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest