^

Metro

Guro kritikal sa saksak ng adik

-
Nasa malubhang kalagayan ngayon ang isang 25 anyos na guro matapos na mapagtripan at saksakin ng hindi pa nakikilalang suspect na pinaniniwalaang nasa impluwensiya ng droga kahapon ng madaling araw sa Muntinlupa City.

Ginagamot sa Ospital ng Maynila ang biktima na nakilalang si Edcel Basilio, guro sa Matredame Catholic School matapos na magtamo ng saksak sa tiyan at dibdib habang mabilis namang nakatakas ang suspect.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-12:10 ng madaling araw nang maganap ang insidente sa Sitio Pagkakaisa, Barangay Sucat, Muntinlupa City.

Naglalakad ang biktima nang makasalubong nito ang suspect at walang sabi-sabing inundayan ito ng saksak.

Nagsasagawa pa rin ng follow up operation ang mga awtoridad upang madakip ang suspect. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BARANGAY SUCAT

BATAY

EDCEL BASILIO

GINAGAMOT

LORDETH BONILLA

MATREDAME CATHOLIC SCHOOL

MAYNILA

MUNTINLUPA CITY

NAGLALAKAD

SITIO PAGKAKAISA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with