^

Metro

Paglaganap ng illegal vendors,isinisi ni Fernando sa LGU

-
Sa local goverment unit ibinunton ni Metropolitan Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando ang sisi kung bakit patuloy na namamayagpag ang mga illegal sidewalk vendor na nakakasagabal at nagiging isa sa dahilan ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa Metro Manila.

Ito ang naging reaksyon kahapon ni Fernando kaugnay sa naganap na kaguluhan sa pagitan ng MMDA Clearing Operation personnel at grupo ng illegal vendor na nauwi sa madugo at ikinasugat ng apat na katao.

Inakusahan pa nito na namumulitika lamang aniya ang LGU at pinaaasa nila ang mga vendor para lamang makakuha sa mga ito ng boto.

Kapalit ng pangakong tutulungan silang makapagtinda sa ilang pangunahing lansangan sa Metro Manila partikular na sa area ng Baclaran, gayung malinaw na ang mga ito ay lumalabag sa batas.

Nanawagan si Fernando sa ilang LGU na huwag namang paasahin at pangakuan ang mga vendor na target naman sa kanilang isinasagawang paglilinis.

Nagbigay din ng ultimatum ang MMDA at tiniyak na hindi sila matatakot sa pagbuwag sa mga illegal sidewalk vendor. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BACLARAN

CHAIRMAN BAYANI FERNANDO

CLEARING OPERATION

FERNANDO

INAKUSAHAN

KAPALIT

LORDETH BONILLA

METRO MANILA

METROPOLITAN DEVELOPMENT AUTHORITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with