^

Metro

Panadero kinatay ang amo at kasama sa trabaho

-
Anggulo ng love triangle ang pinagtutuunan ng pansin ng Taguig Police makaraang patayin sa saksak ng isang panadero ang kanyang among dalaga at kasamahang panadero, kahapon sa nabanggit na bayan.

Mabilis na tumakas ang suspect na nakilalang si Jose Dayandante, master baker ng Two Brothers and Two Sisters Bakeshop na matatagpuan sa #1 Daisy St., Purok 6, Barangay Lower Bicutan matapos ang isinagawang krimen,

Samantala, nakilala naman ang mga nasawi na sina Genell Lacson, 24, may-ari ng nabanggit na bakery at ang isa pang panadero nito na si Popoy Herrera. Patay na nang matagpuan ang mga ito kahapon ng umaga sanhi ng maraming saksak sa kanilang katawan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na dakong alas-11 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng mga biktima sa loob ng bakery.

Bago ang insidente, narinig umano ng ilang kapitbahay na inaaway umano ng suspect ang dalaga dahil sa may gusto siya rito at nagseselos sa kasamahan nitong panadero na si Herrera.

Matapos ang isinagawang pagpaslang sa dalawang biktima mabilis na pumuga ang suspect na ngayon ay target ng operasyon ng pulisya.

Patuloy pa rin ang isinasagawang pagsisiyasat sa insidente. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ANGGULO

AYON

BARANGAY LOWER BICUTAN

DAISY ST.

GENELL LACSON

JOSE DAYANDANTE

LORDETH BONILLA

POPOY HERRERA

TAGUIG POLICE

TWO BROTHERS AND TWO SISTERS BAKESHOP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with