^

Metro

6 kidnppers hinatulan ng bitay

-
Anim na kidnappers kabilang ang isang dating pulis ang hinatulan ng Manila Regional Trial Court (RTC) ng parusang bitay dahil sa pagdukot sa magkapatid na Chinese kasama ang driver nito limang taon na ang nakakaraan sa nabanggit na lungsod.

Kabilang sa mga hinatulan ng bitay ay sina Dick Esrael, 38; Ramil Olivar, 34; Nestor Boyonas, 33; Joel Ruiz, 24; Carlos Ruiz, 61, na dating pulis at Jesse Marcaida, 58.

Base sa 25 pahinang desisyon ni Judge Teresa Soriaso ng MRTC branch 27, naganap ang insidente noong Disyembre 10, 1998 dakong alas-6 ng umaga nang harangin ng mga akusado ang sinasakyan ng mga biktimang sina Mary Grace Yao, 19, at Michelle Yao kasama ang driver nilang si Tirso Barizo.

Kaagad umanong bumaba ang tatlong armadong kalalakihan na sina Ruiz at Esrael at tinutukan ng baril si Barizo saka mabilis na pinababa ng sasakyan ang mga biktima. Pinalipat ang mga ito sa sasakyang dala ng mga suspect at saka mabilis na tumakas patungo sa direksyon ng Roxas Boulevard papuntang Coastal Road sa Batangas.

Sa salaysay ng mga biktima, huminto sila sa isang resort at mabilis na hinila sina Mary Grace at Tirso. Huling ibinaba ng sasakyan si Michelle.

Habang tumatakbo ang sasakyan ay pinagbawalan sila ng mga suspect na tumingin sa bintana subalit alam ni Michelle na patungo sila sa Batangas City dahil sa pag may pagkakataon ay sumisilip siya sa bintana at nakita niya ang sign board na ‘going to Matabungkay Beach’.

Umaabot sa P30 milyon ang hinihinging ransom ng mga suspect sa pamilya ng magkapatid.

Tumagal sa kamay ng mga suspect ang mga biktima hanggang Disyembre 18, 1998 makaraang ma-rescue na sila noon ng binuwag na Presidential Anti-Organized Crime Task Force (PAOCTF) kung saan dalawa sa mga kidnappers ang napatay.

Bagamat pinabulaanan naman ng mga akusado ang nasabing akusasyon, gayunman sinabi ni Judge Soriaso na matibay ang testimonya ng mga biktima at ilang witness na iniharap ng prosekusyon.(Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

BATANGAS CITY

CARLOS RUIZ

COASTAL ROAD

DICK ESRAEL

DISYEMBRE

GEMMA AMARGO

JESSE MARCAIDA

JOEL RUIZ

JUDGE SORIASO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with