^

Metro

Empleyada kinatay sa loob ng motel

-
Isang 38-anyos na empleyada ang natagpuang hubo’t-hubad at tadtad ng saksak sa katawan sa loob ng isang motel, kamakalawa ng hapon sa Pasig City.

Tinatayang sampung saksak sa katawan at halos mawakwak ang tiyan ng biktimang nakilalang si Sarah Lestojas, empleyada sa Taytay Municipal Hall at residente ng 55-B Sitio Lumang Ilog, Barangay San Juan, Taytay Rizal.

Mabilis namang tumakas ang suspect na nakilala lamang sa alyas na Boy Veloso.

Sa ulat ng pulisya, natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng Mariposa Lodge Room 45 sa kahabaan ng Marcos Hi-way sa Barangay Santolan, ng nasabing lungsod.

Nauna rito, nabatid na pumasok sa loob ng nasabing motel ang biktima at dakong ala-1:30 ng hapon at 30 minuto ang lumipas ay dumating naman ang suspect.

Alas-3 ng hapon ay unang lumabas ang suspect at binayaran ng halagang P350 ang kahera. Ibinilin pa nito sa roomboy na huwag gigisingin ang kasama niyang babae dahil masarap pa ang tulog nito, gayunman napansin ng roomboy na maraming sugat sa braso ang suspect.

Nang matapos na ang binayarang oras ay kinatok ng roomboy ang inupahang kuwarto ng biktima subalit hindi ito sumasagot kung kaya kinuha ng roomboy ang duplicate key at saka binuksan ang kuwarto.

Tumambad dito ang bangkay ng biktima na naliligo sa sariling dugo.

Magulo rin ang kuwarto kaya hinihinalang nanlaban ang biktima sa suspect.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso at ang pagtugis sa tumakas na suspect. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

B SITIO LUMANG ILOG

BARANGAY SAN JUAN

BARANGAY SANTOLAN

BOY VELOSO

EDWIN BALASA

MARCOS HI

MARIPOSA LODGE ROOM

PASIG CITY

SARAH LESTOJAS

TAYTAY MUNICIPAL HALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with