^

Metro

Frat lider binoga sa bibig

-
Kritikal ngayon sa pagamutan ang isang 24-anyos na binata makaraang barilin ito sa bibig ng isang lalaki na umano’y lider rin ng isang fraternity, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Ang biktima na si Richard Orbita, ng #6 Ilang-Ilang St. ay kasalukuyan ngayong ginagamot sa Quirino Medical Center makaraang magtamo ito ng isang tama ng bala sa bibig mula sa kalibre.38 na baril ng supect na kinilalang si Willie Pascual, ng Tupaz St., Minahan, Brgy. Malanday ng nabanggit na lungsod.

Base sa ulat, naganap ang insidente sa kahabaan ng Bougainvilla St. nang magkasalubong ang suspect at ang biktima dakong alas-9:30.

Una umanong kinompronta ng suspect ang biktima hinggil sa pag-recruit nito ng mga kabataan sa kanyang teritoryo na mariin namang itinanggi ng biktima kung saan ang nasabing tagpo ay nauwi sa mainitang pagtatalo.

Ayon sa mga saksi, ilang sandali matapos na magtalo ang dalawa ay bigla na lamang umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril at nang kanilang suriin ito ay nakita na lamang nilang duguang humahandusay sa kalsada ang biktima sapo ang kanyang bibig, habang ang suspect naman na si Pascual ay mabilis na tumakas matapos ang ginawang pamamaril dala ang ginamit nitong armas. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

BOUGAINVILLA ST.

BRGY

EDWIN BALASA

ILANG-ILANG ST.

MARIKINA CITY

QUIRINO MEDICAL CENTER

RICHARD ORBITA

TUPAZ ST.

WILLIE PASCUAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with