^

Metro

Electrician nahuling nagnanakaw ng kuryente,binoga ng sekyu

-
Isang electrician ang binaril at napatay ng isang guwardiya matapos itong mahuling nagnanakaw ng linya ng kuryente ng Meralco, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa.

Namatay noon din sa pinangyarihan ng krimen ang biktimang si Rogelio Aguilos, 34, ng Sitio Pag-asa, Barangay Alabang, Muntinlupa sanhi ng tinamong tama ng bala ng shotgun sa iba’t ibang bahagi ng katawan,

Kaagad namang tumakas ang di pa nakikilalang suspect matapos ang pamamaril.

Base sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-6:40 ng gabi sa San Jose Subdivision sa nabanggit na lugar.

Nabatid na naaktuhan ng suspect na guwardiya ang biktima na nagnanakaw ng linya ng kuryente.

Mabilis itong sinita ng suspect, gayunman itinanggi ng biktima na nagnanakaw siya ng kuryente hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo.

Dahil dito, nagalit ang suspect hanggang sa binaril at mapatay ang biktima. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BARANGAY ALABANG

DAHIL

ISANG

KAAGAD

LORDETH BONILLA

MABILIS

MUNTINLUPA

ROGELIO AGUILOS

SAN JOSE SUBDIVISION

SITIO PAG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with