^

Metro

Konsehal , piskal, trader inireklamo ng pambubugbog

-
Nahaharap ngayon sa kasong physical injury ang isang piskal, konsehal at negosyante makaraang ireklamo ng pambubugbog ng tatlong katao na umiinom at kumain sa isang nightclub kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Sina Pasay City District II Councilor Regino Arceo; isang Fiscal Solis at Roland Lim, 43, may- ari ng Big Bucket Videoke Bar; Gemo Villar at Cecero Martin kapwa waiter ay inireklamo ng mga biktimang sina Eduardo Pardo, 32; Ma.Cecilia Natividad, 29 at kapatid na si Cristina, 26, na pawang mga kustomer sa Big Bucket na matatagpuan sa Service Road, Roxas Blvd. ng nabanggit ding lungsod.

Sa report na nakarating sa Pasay City Police, naganap ang insidente dakong alas 2:30 ng madaling araw sa nasabing establisyimento matapos na punitin ni Pardo ang kanilang chit sa ininom at kinain.

Dahil dito, nakialam ang mga suspect hanggang sa pagtulungang bugbugin ang tatlong biktima na nagtamo ng pasa at sugat sa mukha at katawan.

Nabatid na tinangka pang itago ng imbestigador na si PO3 Reynaldo Aguba ang record nang dalhin nito ang report sa kanyang bahay. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BIG BUCKET

BIG BUCKET VIDEOKE BAR

CECERO MARTIN

CECILIA NATIVIDAD

COUNCILOR REGINO ARCEO

EDUARDO PARDO

FISCAL SOLIS

GEMO VILLAR

LORDETH BONILLA

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with