^

Metro

Kotse sinalpok ng truck,sumabog,nagliyab

-
Isang lalaki ang nasunog at nasawi, samantalang dalawa pa nitong kasamahan ang malubhang nasugatan matapos salpukin ng isang dump truck ang nasiraan at nakaparada nilang sasakyan na naging dahilan ng tuluyang pagsabog nito, kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Nasawi noon din makaraang magtamo ng 3rd degree burn ang biktimang nakilalang si Arnold Balawang, 30-35 anyos, nakatira sa Pasay City.

Ginagamot naman sa Makati Medical Center ang dalawang kasamahan nito na nakilalang sina Peter Ruiz at Allen Villan, samantalang masuwerte namang hindi nasugatan ang isa pa nilang kaibigan na si Warren Garcia.

Mabilis namang tumakas ang hindi pa nakikilalang driver ng dump truck matapos ang trahedya.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Norma Mapili, naganap ang insidente dakong alas-4 kahapon ng madaling-araw sa South bound lane, malapit sa tunnel ng Ayala-EDSA Avenue sa nabanggit na lungsod.

Napag-alaman na minamaneho ni Balawang ang isang Opel Manta kasama ang mga kaibigan.

Binabagtas nila ang naturang lugar nang biglang ma-flat ang isang gulong ng kanilang sasakyan dahilan upang pansamantala itong pumarada.

Ilang sandali pa ay sinalpok na ito ng rumaragasang truck ng basura at dahil sa malakas na pagsalpok ay sumabog ang kotse at tuluyang nagliyab.

Mabilis na nakababa ang tatlong kasama ni Balawang bago ang pagsabog subalit naiwan si Balawang sa loob.

Kasalukuyang hinahanting ng pulisya ang tumakas na suspect na pinaniniwalaang kundi man lasing ay inaantok. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALLEN VILLAN

ARNOLD BALAWANG

BALAWANG

LORDETH BONILLA

MABILIS

MAKATI CITY

MAKATI MEDICAL CENTER

NORMA MAPILI

OPEL MANTA

PASAY CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with