^

Metro

2 puganteng kasama ni Al-Ghozi namataan sa Tondo

-
Makaraang makatanggap ng impormasyon na namataan ang dalawang terorista na kasamang tumakas ng international terrorist na si Fathur Roman Al-Ghozi, sinalakay ng mga operatiba ng Western Police District (WPD) ang Isla Puting Bato sa Tondo Manila, kahapon ng umaga.

Dakong alas-5:30 ng umaga nang salakayin ng mga awtoridad ang naturang lugar subalit nabigo ang mga ito na matagpuan ang mga puganteng sina Abdul Mukim Edres at isang alyas Omar Opik Lasal.

Gayunman, hindi inakala ng mga awtoridad na sasalubungin sila ng sunud-sunod na pagpapaputok ng baril mula sa hindi nakikilalang grupo ng kalalakihan.

Dahil dito, napilitan na ring gumanti ng putok ang mga pulis. Ilang minuto ang naging labanan at wala namang nasawi o nasugatan sa magkabilang panig.

Naaresto sa isinagawang raid si Aldio Kaubag, 36, na nahulihan ng isang 12 gauge shot gun at isang .38 paltik.

Magugunitang unang sinalakay ng mga awtoridad ang Muslim Center sa Quiapo makaraang makatanggap din ng impormasyon ang mga awtoridad na dito nagtatago si Al-Ghozi.

Samantala, hindi napigilan ng bagyong Harurot ang isa pang saturation drive ng pulisya makaraang salakayin ng mga tauhan ng CPD ang isang Muslim compound sa North Fairview, Quezon City.

Pinalabas ng mga awtoridad ang lahat ng kalalakihan sa kanilang mga bahay at pinapila sa loob ng mosque sa Bayer St., North Fairview, QC dakong alas-9 ng umaga.

Ayon sa pulisya, ang ginawang saturation drive ay bunsod na rin ng kampanya ng pulisya laban sa droga at sa posibilidad na itinatago ng mga ito ang Indonesian bomber na si Fathur Al-Ghozi na tumakas sa piitan ng Intelligence Group ng Philippine National Police.

Sinabi ng pulisya na ang saturation drive ay laban na rin sa mga posibleng armas na pinaniniwalaang nasa pag-iingat ng mga Muslim na gagamitin ng mga ito sa kanilang iligal na operasyon. (Ulat nina Gemma Amargo at Doris Franche)

vuukle comment

ABDUL MUKIM EDRES

ALDIO KAUBAG

BAYER ST.

DORIS FRANCHE

FATHUR AL-GHOZI

FATHUR ROMAN AL-GHOZI

GEMMA AMARGO

INTELLIGENCE GROUP

NORTH FAIRVIEW

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with