^

Metro

Nakabuntis kay misis, tinarakan ni mister

-
Pinagsasaksak at napatay ang isang 39-anyos na lalaki ng asawa ng kanya umanong nabuntis na babae matapos magkita ang mga ito kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Patay na nang idating sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng maraming saksak sa katawan ang biktimang si Raymundo Maninang ng Mariano Ponce St., Bagong Barrio ng nasabing lungsod.

Agad namang naaresto ang suspect na si Antonio Regis, 40, ng 51 Magtanggol St., Caloocan City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Joel Montebon, may hawak ng kaso, dakong alas-10:30 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng F. Roxas St. sa pagitan ng 2nd at 3rd Avenues ng naturang lungsod.

Bago naganap ang insidente, nabuntis umano ng biktima ang asawa ng suspect nang magkaroon ng relasyon ang mga ito bago tuluyang makipaghiwalay kay Regis.

Ayon sa pulisya, nagkita kahapon ang biktima at ang suspect at matapos ang isang mainitang pagtatalo ay agad na sinuntok ni Regis si Maninang sa mukha kaya’t napilitan ang nasawi na bumunot ng patalim ngunit mabilis naman itong naagaw ng salarin at pinagsasaksak ang nasawi.

Tinigilan lamang umano ng suspect ang pananaksak nang makita nitong halos lupaypay na si Maninang at bago makatakas si Regis ay agad itong nadakip ng mga rumespondeng barangay tanod. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

ANTONIO REGIS

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

JOEL MONTEBON

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MAGTANGGOL ST.

MANINANG

MARIANO PONCE ST.

RAYMUNDO MANINANG

REGIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with