^

Metro

Trader hinoldap, pinatay sa gasolinahan

-
Pinagbabaril hanggang sa mapatay matapos na holdapin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspect ang isang negosyante habang nagpapagasolina sa Quezon City kamakalawa ng hapon.

Namatay habang ginagamot sa QCGH ang biktimang si Gaspar Luna, 47, ng Sitio Mendez, Brgy. Baesa, Q.C. matapos na magtamo ng maraming tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Batay sa imbestigasyon ni PO1 Leo Nino Pasco ng CPD-CIU, naganap ang insidente dakong alas-3:40 kamakalawa ng hapon habang nagpapagasolina sa Caltex Station sa Quirino Highway Baesa, Q.C. ang biktima.

Sakay ng kanyang KIA LX, biglang nilapitan ng dalawang suspect ang biktima kasabay ng pagdedeklara ng holdap.

Mabilis na kinuha ng mga suspect ang mga mahahalagang gamit ng biktima kasama ang pera at mga alahas nito.

Subalit hindi pa nasiyahan ang mga suspect at pinagbabaril pa ang biktima.

Ayon sa pulisya, posibleng natiktikan ng mga suspect ang biktima at itinaon ang pagsasagawa ng krimen habang nagpapakarga ng gasolina. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

AYON

BAESA

BATAY

CALTEX STATION

DORIS FRANCHE

GASPAR LUNA

LEO NINO PASCO

QUEZON CITY

QUIRINO HIGHWAY BAESA

SITIO MENDEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with