^

Metro

Sunog sa Caloocan: P5M naabo

-
Dalawang insidente ng sunog sa magkahiwalay na lugar ang naganap sa lungsod ng Caloocan kung saan pawang mga negosyanteng intsik ang naging biktima at tumupok sa P5 milyong ari-arian.

Ayon sa ulat, ang mga tinamaan ng pinsala ay ang Factory ng soy sauce sa 160 Francisco St., Samson Road na pag-aari ni Emma Tan at ang 2 storey building naman na pag-aari ni Homer Totia ng 7th St., 6th Avenue, Grace Park ng nasabing lungsod.

Nabatid na unang nasunog ang soy sauce factory ni Tan matapos ang biglaang pagsiklab ng apoy sa isang makina nito dakong alas-3 kamakalawa ng hapon.

Mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa lamunin ang buong pagawaan at tumagal ang sunog ng mahigit isang oras at kalahati.

Nagsimula naman ang sunog sa bahay ni Totia nang may sumabog sa garahe nito, dakong alas-5:15 kahapon ng madaling araw.

Agad na nagliyab ang tatlong sasakyan ni Totia dahilan sa lakas ng pagsabog hanggang sa madamay ang buong kabahayan at dakong alas-7:25 na ng umaga nang maapula ang apoy ng mga pamatay sunog.

Tinatayang aabot sa P5M halaga ng ari-arian ang napinsala sa mga nasabing sunog habang wala namang naiulat na nasaktan o nasawi. (Ulat ni Rose L.Tamayo)

vuukle comment

AYON

CALOOCAN

DALAWANG

EMMA TAN

FRANCISCO ST.

GRACE PARK

HOMER TOTIA

ROSE L

SAMSON ROAD

TOTIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with