^

Metro

Madugong X'mas party: 1 patay

-
Naging madugo ang isinagawang Christmas Party sa isang barangay sa Caloocan City matapos na walang habas na pinagbabaril ng sumpak ng isang lasing na lalaki ang mga nagsasayawang residente na ikinasawi ng isa at malubhang ikinasugat ng tatlo, kahapon ng madaling araw.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Tondo Medical Center ang biktimang nakilalang si Cally Bane Chua, 20, binata, ng Block 57, Lot 28, Phase 3, F2 Dagat-Dagatan, habang nasa kritikal na kondisyon naman ang mga biktimang sina Noel Carpin, Reynante Rias at Fernando Badiana, 23, na pawang residente rin sa nasabing lugar.

Nabatid sa ulat ng pulisya na si Chua ay nagtamo ng isang tama ng bala sa sentido.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ang suspect na si Michael Fernandez, alyas na Aries at Joemel Conge.

Base sa ulat, nag-ugat ang pamamaril ni Fernandez nang masagi ang ulo nito ng isang hindi kilalang bisita sa ginanap na Christmas Party sa Sinilyasi St., ng nasabing lugar dakong alas-2 ng madaling araw.

Dahil lasing, hindi nagustuhan ni Fernandez ang nangyari kaya mabilis nitong kinuha ang kanyang baril at walang habas na nagpaputok sa gitna ng mga taong nagsasayaw.

Matapos ang pamamaril mabilis na tumakas ang suspect dala ang ginamit na baril. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

CALLY BANE CHUA

CALOOCAN CITY

CHRISTMAS PARTY

FERNANDEZ

FERNANDO BADIANA

JOEMEL CONGE

MICHAEL FERNANDEZ

NOEL CARPIN

REYNANTE RIAS

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with