^

Metro

Ginang kritikal sa pananaga ni mister

-
Isang 52-anyos na ginang ang tinaga ng kanyang sariling mister matapos na maburyong ang huli nang sitahin ng una hinggil sa madalas nitong pag-inom ng alak, kamakalawa sa lungsod ng Caloocan.

Masuwerteng nakaligtas sa kamatayan makaraang magtamo ng taga sa likod ang biktimang si Merly Aquino Bangalan, 52, tubong Aparri Cagayan at residente ng Phase 7-C, Package 11, Block 10, Lot 6, Bagong Silang ng nabanggit na lungsod.

Ayon kay PO2 Aristotle de Guzman, may hawak ng kaso naganap ang insidente dakong alas-11:15 ng gabi nang umuwing lasing ang suspect na mister na nakilalang si Isidro, 44.

Dahil dito, kinompronta ng misis ang mister na ikinagalit ng huli kaya mabilis itong kumuha ng itak at saka tinaga ang biktima sa likuran.

Upang mailigtas ang kanyang buhay ay duguang nagtatakbo papalabas ng kanilang bahay ang biktima at nagsumbong sa pulisya.

Naaresto naman ang suspect matapos ang insidente. (Ulat ni Rose Tamayo)

vuukle comment

APARRI CAGAYAN

AYON

BAGONG SILANG

CALOOCAN

DAHIL

GUZMAN

ISANG

ISIDRO

MERLY AQUINO BANGALAN

ROSE TAMAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with