^

Metro

Recall election sa Taguig malamang na matuloy

-
May posibilidad na matuloy ang recall election sa lungsod ng Taguig makaraang bumaligtad ang isa sa mga barangay chairman na pumirma upang maisulong na ito nang tuluyan.

Naging kontrobersiyal ang pag-validate sa boto ni Khalib Abo Hasim, dahil ito ang ika-82 na botong nakuha mula sa kabuuang bilang na 162 barangay chairmen na naghuhudyat para maisulong na ang Preparatory Recall Assembly. (PRA).

Nauna nang bumoto si Khalib para sa recall subalit binawi nito ang kanyang boto na mangangahulugan na patas na ang bilang sa pagitan ng mga nagnanais na maisulong ang recall at sa mga nag-nanais na huwag matuloy ang recall.

Ngunit nang humarap sa COMELEC kahapon ay muli na namang iginiit ni Khalib ang orihinal na posisyon na pumapabor siya sa pagdaraos ng PRA.

Nakasaad sa Omnibus Election Code na matutuloy lamang ang recall kung boboto para rito ang kalahati ng bilang ng mga barangay chairmen sa isang bayan. (Ulat ni Jhay Quejada)

vuukle comment

JHAY QUEJADA

KHALIB

KHALIB ABO HASIM

NAKASAAD

NAUNA

NGUNIT

OMNIBUS ELECTION CODE

PREPARATORY RECALL ASSEMBLY

RECALL

TAGUIG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with