^

Metro

Promotion agency ni Richard Gomez natangayan ng P 2-M

-
Pinasok ng mga pinaghihinalaang miyembro ng akyat-bahay gang ang promotion agency na umano ay pag-aari ng aktor/host Richard Gomez at natangay ang humigit kumulang na P2 milyong pisong ari-arian sa Quezon City.

Batay sa report ng Central Police District Station 7, nagreklamo kahapon ng umaga si Marilyn Nuñez, operation manager ng Harte Beast Entertainment na umano ay pag-aari ng aktor.

Lumilitaw sa imbestigasyon na ang pagnanakaw ay maaaring naganap sa pagitan ng umaga ng Agosto-19 hanggang madaling araw ng Agosto 30 sa loob ng naturang tanggapan na nasa U-8 Matipuno st., Horseshoe Village, Brgy Horsehoe ng nasabing lungsod.

Sa salaysay ni Nuñez, kinandado niya ang naturang tanggapan noong Agosto 19 at nang balikan niya kahapon ng alas-6:30 ng umaga ay dito niya natuklasan na baklas na ang salamin ng bintana.

Hindi naman sinabi ni Nuñez ang dahilan kung bakit matagal na nakasara ang naturang ahensiya.

Kabilang sa mga natangay ng mga suspek ang isang iMac computer, P100,000; CPU, P150,000 at printer na nagkakahalaga ng P25,000.

Napag-alaman na agad na ipina-turnover ni Gomez sa CIDG ang naturang kaso. (Ulat ni Doris M. Franche)

vuukle comment

AGOSTO

BATAY

BRGY HORSEHOE

CENTRAL POLICE DISTRICT STATION

DORIS M

HARTE BEAST ENTERTAINMENT

HORSESHOE VILLAGE

MARILYN NU

QUEZON CITY

RICHARD GOMEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with