^

Metro

Joey walang ambisyong mag-senador

-
Magiging pribadong mamamayan na lamang si Parañaque City Mayor Joey Marquez at magpapahinga na sa pulitika. Ito ang kanyang pahayag matapos umugong na tatakbo siyang senador sa darating na 2004 at gagamitin lamang niya umano si Kris Aquino kaya siya nakipagrelasyon sa bunsong anak ng dating Pangulong Corazon C. Aquino.

Hindi na puwedeng tumakbo sa mayoralty race si Marquez dahil huling termino na niya bilang mayor ng naturang lungsod.

Paulit-ulit nitong ipinahayag na hindi siya tatakbong senador sa 2004 na ayon pa rito, ibinoto siya ng taumbayan at 12 taon na siyang alkalde sa nabanggit na lungsod at nanalo siya na walang ginamit na tao.

Sinabi nito na ang kanyang pagkapanalo ay hindi inendorso ng kahit na sino pang prominenteng tao kundi gusto siya at malaki ang paniniwala ng mga constituents niya sa kanya.

Ayon pa rito, kahit mamahinga muna siya sa larangan ng pulitika, handa pa rin siyang tumulong sa mga taong nangangailangan lalo na sa mga taga-Parañaque.

Muling ipinagtanggol ni Marquez si Kris, sinabi nito na hindi kontrabida sa buhay nila ang dating presidential daughter dahil nang pumasok si Kris sa eksena, ilang buwan na silang hiwalay ni Alma, Vanessa Lacsamana sa tunay na buhay.

Dagdag pa ng alkalde na sa kabila na maraming lalaking dumaan sa buhay ng dating asawa ay pinakasalan niya ito dahil gusto niyang buo ang kanyang pamilya, mayroong marangal at masayang pamumuhay. Ngunit sinayang umano ng aktres ang tiwalang ibinigay niya rito.

Sa pahayag ni Marquez, ibinubunton niya ang matinding sisi kay Alma kaya nasira ang kanilang pamilya.(Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AQUINO

AYON

CITY MAYOR JOEY MARQUEZ

DAGDAG

KRIS AQUINO

LORDETH BONILLA

MARQUEZ

PANGULONG CORAZON C

VANESSA LACSAMANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with