^

Metro

Sundalo nang-agaw ng cellfone, tiklo

-
Nakakulong sa himpilan ng pulisya ang isang sundalo matapos itong arestuhin nang taumbayan sa pang-aagaw nito ng cellfone sa isang dalaga na nagte-text kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Ang suspek ay nakilalang si Private Zaldy Amit, 23, binata, miyembro ng Philippine Army na nakatalaga sa Reserve Command at nakatira sa Area D, Parola,Tondo, Manila.

Batay sa reklamo ng biktimang si Lannie Dacay, 24, isang overseas Filipino worker ng Villamor Airbase ng nasabing lungsod, na ang insidente ay naganap dakong alas-4 ng madaling araw sa kahabaan ng F.B. Harrison.

Ayon kay Dacay, na pagbaba niya ng taxi ay naisipan nitong i-text ang isang kaibigan.

Habang siya ay nagte-text ay biglang sumulpot ang suspek at inagaw ang kanyang Nokia 3330 cellfone.

Nagsisigaw na humingi ng tulong ang biktima sa mga nakatambay na kalalakihan na mabilis na humabol sa suspek.

Naabutan ng mga ito ang suspek at dinala sa himpilan ng pulisya. (Ulat ni Lordeth Bonilla)

vuukle comment

AREA D

AYON

BATAY

LANNIE DACAY

LORDETH BONILLA

PASAY CITY

PHILIPPINE ARMY

PRIVATE ZALDY AMIT

RESERVE COMMAND

VILLAMOR AIRBASE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with