^

Metro

5 patay nakaboto sa eleksyon

-
Limang mga patay ang iniulat na ‘nagsibangon’ sa libingan at nagsiboto sa ginanap na Sangguniang Kabataan at Barangay elections sa Barangay Buting, Pasig City.

Ito ay kabilang sa labintatlong flying voters sa Pasig City na inaresto ng mga awtoridad. Lima dito ang gumamit sa mga pangalan ng mga nagsiyao na at ang ilan bagama’t buhay pa ay nasa ibang bansa naman.

Ang mga dinakip ay umaming binayaran ng tig-P100 kapalit ng pagboto nila sa ibang pangalan.

Ang mga suspect ay nagsipagboto sa Buting Elementary School, Brgy. Buting ng nabanggit na lungsod.

Kung ang mga pangalan ng mga patay ay nasa listahan pa at nabotohan ng iba, may 14 namang katao sa nasabing barangay ang bagama’t may karapatang bumoto at mga buhay ay wala naman ang mga pangalan sa voter’s list. (Ulat ni Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY BUTING

BRGY

BUTING

BUTING ELEMENTARY SCHOOL

JOY CANTOS

LIMANG

PASIG CITY

SANGGUNIANG KABATAAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with