^

Metro

Police major inireklamo nang panggugulpi sa draftsman

-
Nasa ‘hot water’ ngayon ang isang police major matapos umano itong ireklamo ng isang draftsman na gumulpi sa kanya kamakalawa sa Makati City.

Kinilala ang suspect na si C/Insp. Napoleon Gauyan, nakatalaga sa Camp Crame.

Samantala, ang biktima ay nakilalang si Ramon Rorecare, 37, binata, ng #1678 Eskwela St., Brgy. Guadalupe Nuevo, Makati City ay nagtamo ng bukol at pasa sa katawan.

Ayon sa rekord ng Makati City Police Complaint Desk, naganap ang insidente dakong alas-5 kamakalawa ng hapon sa Christian Sports Center, na matatagpuan sa Buenconsejo St., Makati City.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa sa hindi pa mabatid na dahilan.

Dahi dito, pinagbantaan at ginulpi umano ng suspect ang nasabing biktima, matapos ang insidente kaagad na nagpunta ang lalaki sa himpilan ng pulisya at ipinagharap ng kasong grave threat at physical injury ang naturang police major. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BUENCONSEJO ST.

CAMP CRAME

CHRISTIAN SPORTS CENTER

ESKWELA ST.

GUADALUPE NUEVO

LORDETH BONILLA

MAKATI CITY

MAKATI CITY POLICE COMPLAINT DESK

NAPOLEON GAUYAN

RAMON RORECARE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with