^

Metro

4 na ATM ng East West Bank sinalakay

-
Apat na automated teller machine (ATM) ng East West Bank sa magkakahiwalay na lugar ang winasak ng hindi pa nakikilalang mga kalalakihan na pinaniniwalaang kasapi sa malaking sindikato at nakatangay ng milyong halaga, kahapon ng umaga sa Quezon City at sa Cainta.

Ang mga sinalakay na ATM ng nasabing bangko ay ang nasa Roosevelt Avenue na matatagpuan sa San Francisco del Monte, ang nasa Congressional Avenue malapit sa Mindanao Avenue at ang nasa Regalado St. sa Commonwealth ng nabanggit na lungsod.

Isa ring machine ng nabanggit na bangko sa Cainta ang iniulat ding winasak ng hindi pa nakikilalang mga suspects.

Base sa isinagawang imbestigasyon iisa ang pattern ng ginawang pagwasak na pinaniniwalaang isinagawa kamakalawa ng gabi hanggang kahapon bago magliwanag.

Ayon sa isang empleyado ng naturang bangko sa Roosevelt Branch nadiskubre lamang nila na wasak na wasak ang kanilang machine kinaumagahan at tangay ang lahat ng pera sa loob nito.

Natuklasan din na ganito ang nangyari sa dalawa pa nilang machine sa ibang branch sa Quezon City at isang branch sa Cainta.

Malaki ang hinala ng mga awtoridad na iisang grupo lamang ang may kagagawan nito dahil sa isang istilo lamang ang ginawang pagwasak.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya ukol dito at ang pagtugis sa mga suspects. (Jhay Mejias)

vuukle comment

CAINTA

CONGRESSIONAL AVENUE

EAST WEST BANK

JHAY MEJIAS

MINDANAO AVENUE

QUEZON CITY

REGALADO ST.

ROOSEVELT AVENUE

ROOSEVELT BRANCH

SAN FRANCISCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with