^

Metro

Lolo kulong sa pambubuntis ng dalagitang maid

-
Maliban sa pagkakakulong ay sinampahan pa ng kasong panggagahasa sa Quezon City Prosecutor’s Office ang isang 61-anyos na lolo na umano’y ilang ulit na gumahasa at nakabuntis sa isang 16-anyos na house maid sa Galas, Quezon City.

Humihimas ng rehas na bakal sa Central Police District Station 11 detention cell ang suspect na si Arturo Reyes, tricycle driver, ng #32 Biak-na-Bato, Brgy. Sto. Niño, Galas, QC.

Si Reyes ay sinampahan ng seven counts ng kasong rape ng biktimang si Annie (di-tunay na pangalan) matapos na huling gahasain ito noong Enero 23 sa kanilang tahanan.

Batay sa rekord ng pulisya, una siyang ginahasa noong Hulyo 4, 2001 sa servants’ quarter na may nakatutok na patalim.

Ayon sa biktima, inutusan siya ng suspect na hubarin ang kanyang damit at pumatong nang hubo’t hubad sa kanya.

Palagi rin siya umanong binabantaan ng suspect na papatayin kung siya’y magsusumbong.

Napilitang magsumbong si Annie sa tiyahin nang bumisita isang gabi at mapansing malaki ang tiyan ng biktima.

Inamin din ni Annie na siya ay limang-buwan nang buntis at ang ama ay ang tatay ng kanyang amo.

Lumilitaw sa isinagawang police interrogation na inamin ng suspect ang panggagahasa subalit itinangging siya ang ama ng dinadala nito. Ayon sa suspect, hindi na raw birhen ang biktima nang ito ay kanyang galawin. (Ulat nina Doris Franche at Jhay Mejias)

vuukle comment

ARTURO REYES

AYON

BATAY

BATO

CENTRAL POLICE DISTRICT STATION

DORIS FRANCHE

JHAY MEJIAS

QUEZON CITY

QUEZON CITY PROSECUTOR

SI REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with