^

Metro

Misis at lover naaktuhan ni mister

-
Nahuli sa akto ng isang negosyanteng Tsinoy kasama ang ilang kagawad ng Central Police District Office-Criminal Investigation Unit ang kanyang misis at kalaguyo nito sa loob mismo ng kanilang master’s bedroom na nagsasalo ng kanilang bawal na sandali sa Corinthian Garden sa Quezon City kahapon ng umaga.

Agad na inaresto ng mga pulis sina Lily Tanco-Yu at lover na si Roberto Ong-Young matapos silang ipagharap ng reklamo ni Roque Yu, 47, pansamantalang naninirahan sa 209 Pasadena Drive, San Juan.

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng umaga nang arestuhin ang dalawang umano’y magkalaguyo ng awtoridad at nadatnan na pawang half-naked sina Tanco-Yu at Young at magkapatong.

Nauna rito, sinabi ni Leticia Casali, katulong ng mag-asawa na madalas umano niyang mahuli ang amo at lover nito na naghahalikan habang ang mga anak ng babae ay nasa paaralan.

Nabatid kay Roque na dalawang taon na umano ang nakakalipas nang palayasin siya ng Ginang sa kanilang tahanan bago tuluyang nagsampa ng annulment. (Ulat ni Jhay Mejias)

vuukle comment

CENTRAL POLICE DISTRICT OFFICE-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

CORINTHIAN GARDEN

GINANG

JHAY MEJIAS

LETICIA CASALI

LILY TANCO-YU

QUEZON CITY

ROBERTO ONG-YOUNG

ROQUE YU

SAN JUAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with