^

Metro

1 miyembro ng 'Estribo Gang' patay sa shootout

-
Nabaril at napatay ang isang miyembro ng ‘Estribo Gang’, samantalang isa pa niyang kasamahan ang nadakip matapos na holdapin ng mga ito ang isang pampasaherong jeep at manlaban sa mga nagrespondeng awtoridad, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Ayon sa pulisya, hindi pa batid ang pangalan ng nasawing suspect, samantalang ang kasamahan nito na nadakip ay nakilalang si Danilo Arcenal, 26, ng 317 Josefin St.,3rd Avenue, Grace Park ng nabanggit ng lungsod. Nakatakas naman ang tatlo pa nilang kasamahan na nakilala sa mga alyas na Jerry Solis, Danny at Yoyong Bohol.

Base sa isinagawang imbestigasyon, dakong alas-9 ng gabi ng magkaroon ng habulan at barilan sa pagitan ng mga awtoridad at ng mga suspect sa kahabaan ng Rizal Avenue Extension sa panulukan ng 1st at 2nd Avenue.

Nabatid na hinoldap ng mga suspect ang isang pampasaherong jeep at tinangay ang mga alahas at pera ng mga pasahero.

Matapos ang holdapan agad namang nakahingi ng tulong sa pulisya ang mga biktima na mabilis na nagsagawa ng operasyon laban sa tumatakas na suspect.

Namataan ang mga ito sa harapan ng Baliuag Transit terminal sa 2nd Avenue na humantong sa habulan.

Nakipagpalitan ng putok ang mga suspect sa pulisya na dito napatay ang isa sa mga suspect at pagkadakip sa isa. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

BALIUAG TRANSIT

CALOOCAN CITY

DANILO ARCENAL

ESTRIBO GANG

GEMMA AMARGO

GRACE PARK

JERRY SOLIS

JOSEFIN ST.

RIZAL AVENUE EXTENSION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with