^

Metro

Misis bugbog-sarado kay mister dahil sa P20

-
Dahilan lamang sa halagang P20 posibleng mabulag ang isang ginang matapos itong bugbugin ng kanyang asawa, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Si Myrna Avelino, 37, ng Blk 14 Lot 0 Phase 3 ng Dagat-Dagatan ng nasabing lungsod ay mistulang lantang gulay ng magtungo sa himpilan ng pulisya upang ireklamo ang kanyang asawang si Daniel.

Base sa sumbong ng biktima, dakong ala-1 ng madaling araw ng maganap ang insidente. Mahimbing umano siyang natutulog nang dumating ang lasing niyang asawa.

Kaagad siyang ginising at pilit na humihingi ng P20, dahil sa takot tatayo na siya at kukuha ng hinihinging pera ng bigla siyang hablutin ng suspect at iuntog ang ulo sa pader.

Hindi pa nagkasya at tuluyang siyang binugbog at sinuntok sa mukha na tumama sa kanyang kaliwang mata.

Mabilis namang tumakas ang sadistang mister matapos ang ginawang pananakit sa kanyang asawa. (Ulat ni Gemma Amargo)

vuukle comment

CALOOCAN CITY

DAGAT-DAGATAN

DAHILAN

GEMMA AMARGO

KAAGAD

KANYANG

MABILIS

MAHIMBING

SI MYRNA AVELINO

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with