^

Metro

Mensahero patay sa 'Cellphone Gang'

-
Isang 21-anyos na mensahero ang nasawi makaraang saksakin ng dalawang miyembro ng ‘Agaw cellphone Gang’ habang naglalakad ito pauwi sa kanilang bahay mula sa pinapasukang travel agency, kahapon ng madaling araw sa Ermita, Maynila.

Ang biktima na nakilalang si Ronnie Noche, tubong Romblon, messenger ng Sagye Travel Agency ay nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Phil. General Hospital sanhi ng tinamong saksak sa leeg.

Samantala, nakatakas naman ang dalawang suspect tangay ang Nokia 3210 ng nakulimbat nila sa biktima, cash at ilang piraso ng airline tickets.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni SPO3 Ismael dela Cruz, may hawak ng kaso naganap ang insidente dakong alas-7:45 kamakalawa ng gabi sa kanto ng Taft Avenue at Remedios St. sa Malate.

Nabatid sa salaysay ng dalawang kasamahan ng biktima sa trabaho na sina Arlene Garcia at Ednalyn Nepomuceno na naglalakad sila kasama ang biktima sa naturang lugar mula sa pinapasukang travel agency ng biglang sumulpot ang dalawang hindi nakikilalang lalaki na armado ng patalim sabay hablot sa bag ng biktima.

Napag-alaman pa sa imbestigasyon ng pulisya na hindi basta pumayag ang biktima at nakipaghilahan sa mga suspect hanggang sa saksakin ito sa leeg ng isa sa mga suspect.

Matapos makuha ang bag ay mabilis na tumakas ang mga salarin at iniwang nakahandusay ang biktima. (Ulat ni Grace Amargo)

vuukle comment

AGAW

ARLENE GARCIA

BIKTIMA

EDNALYN NEPOMUCENO

GENERAL HOSPITAL

GRACE AMARGO

REMEDIOS ST.

RONNIE NOCHE

SAGYE TRAVEL AGENCY

TAFT AVENUE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with