^

Metro

Kolektor tinodas dahil sa masamang titig

-
Isang kolektor ang binaril at napatay ng isang lalaki na kanyang tinitigan, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Idineklarang dead-on-arrival sa General Malvar Hospital ang biktimang nakilalang si Alejandro Diocariza, 25, naninirahan sa 269 Liwanag St., Brgy. Matandang Balara, Quezon City, at empleyado ng Lamco International.

Si Diocariza ay nagtamo ng tama ng baril sa kanyang tiyan at batok.

Batay sa imbestigasyon ng Central Police District Office-Criminal Investigation Unit (CPDO-CIU), naganap ang insidente dakong alas-6:40 ng hapon sa kahabaan ng Liwanag St. sa nabanggit na lungsod.

Sinamahan umano ni Diocariza ang kamag-anak ng kanyang asawa sa isang nagngangalang Mario Mendoza.

Habang nag-aabang ng sasakyan ang biktima at si Mendoza, nairita umano ang suspect sa tingin ng una.

Walang sabi-sabing nilapitan ng suspect at binaril ng malapitan ang biktima ng dalawang beses na siya nitong ikinamatay.

Kasalukuyang pinaghahanap ng CPDO ang suspect batay na rin sa pagsasalarawan ng saksing si Mendoza. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

ALEJANDRO DIOCARIZA

CENTRAL POLICE DISTRICT OFFICE-CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DORIS FRANCHE

GENERAL MALVAR HOSPITAL

LAMCO INTERNATIONAL

LIWANAG ST.

MARIO MENDOZA

MATANDANG BALARA

MENDOZA

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with