^

Metro

Maid nakuryente habang nagsasampay

-
Namatay ang isang 24-anyos na katulong nang ito ay makuryente at malaglag sa tinutuntungang hagdanan habang nagsasampay ng nilabhang damit, kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Kinilala ni SPO4 Mar Castillo, imbestigador ng Criminal Investigation Unit (CIU) ng Quezon City Police ang biktimang nakilalang si Cherrylyn Balberona, stay-in maid sa 380 Scout Reyes, Brgy. Paligsahan ng nabanggit na lungsod.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, hindi umano napansin ng biktima ang alambre na kanyang sasampayan ay mayroong ‘ground’ at nang humawak doon ang biktima ay nakuryente ito.

Dahil dito, tuluyang nakabitiw ang biktima at nahulog sa tinutuntungan nitong hagdanan hanggang sa bumagsak at mabagok pa ang ulo na nagsanhi sa agaran nitong kamatayan. (Ulat ni Doris Franche)

vuukle comment

BRGY

CHERRYLYN BALBERONA

CRIMINAL INVESTIGATION UNIT

DAHIL

DORIS FRANCHE

KINILALA

MAR CASTILLO

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

SCOUT REYES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with